May paalala ang civil service commission o CSC sa mga magsusumbong gamit ang complaint hotline 8888
Ayon kay CSC Chair Alicia Bala, dapat siguruhing kumpleto ang mga detalyeng ilalahad sa mga reklamong ipararating sa kanila
Batay sa tala ng national operations center, nangunguna ang social security system o SSS sa may pinakamaraming reklamo na sinundan naman ng land transportation office o LTO
Sinabi ni Bala, maraming nagrereklamo hinggil sa matagal na paglalabas ng ID at pagpoproseso ng pension ng SSS habang ang mga plaka naman ng sasakyan ang idinudulog laban sa LTO
By: Jaymark Dagala