Muling hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na repasuhin ang kani-kanilang citizens charter alinsunod na rin sa Republic Act 11032 o ease of doing business and efficient government service delivery act of 2018.
Kasunod na rin ito ng bahagi ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbibigay paalala sa mga ahensiya ng pamahalaan na pabilisin at simplehan ang transaksyon sa kani-kanilang mga tanggapan.
Ayon kay Civil Service Commissioner (CSC) Aileen Lizada, mayroon na lamang dapat tatlong periods o panahon para sa pagpo-proseso ng mga ginagawang transaksyon sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.
Nariyan aniya ang tatlong araw na pagproseso para sa mga simple transactions; pitong araw para sa complex transactions at 20 araw para sa highly technical applications.
Iginiit ni Lizada, sa ganitong paraan aniya maiiwasan ang pagdududa na nahahaluan ng kurapsyon ang mga transaksyon sa mga ahensiya.
Para bilisan yung pagproseso ng papeles so, kung dating 10 signatures o nine signatures or how many steps they have to limit, babaan yung number of procedures kasi medyo nakakaduda if it takes too long unless delay iba yung impresyon na lumalabas. There should be uniformity at yung listahan na hindi pabago-bago,” ani Lizada.
Ratsada Interview.