Naglabas ng guidelines ng Civil Service Commission (CSC) sa pagsasailalim sa quarantine ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno.
Sa memorandum na nilagdaan ni CSC chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, pinapayuhan ang mga empleyado ng gobyerno na pawang front liners, health workers at Immigration officials na magsagawa ng self-quarantine dahil lantad sila sa banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Nakasaad din sa memorandum na hindi ibabawas sa leave credits ng mga empleyado ng gobyerno na sasailalim sa 14-day mandatory quarantine period matapos bumiyahe sa mga bansang apektado ng COVID-19.
Kapag nakumpleto na ang quarantine period, ang empleyado o opisyal ng gbyerno ay kailangang magsumite ng medical certificate bago bumalik sa trabaho.
Subalit kung absent pa rin matapos ang 14-day quarantine period, ibabawas na ang mga araw na absent sila sa kanilang leave credits.