Sinimulan na ng Department of Agriculture ang culling process sa mga manok at iba pang fowl sa bayan ng San Luis, Pampanga kung saan naitala ang unang bird flu outbreak sa bansa.
Tinatayang 1,500 ibon kabilang ang mga manok, itik at pugo ang pinagpapatay sa isa sa mga poultry farm sa barangay San Carlos.
Naging mahigpit ang seguridad sa nasabing lugar kung saan ilang personnel ng DA na may bitbit na mga sako, naka-suot ng personal protective equipment, masks at may disinfectants ang dumating.
Sa ilalim ng culling process nasa 20 hanggang 25 fowls o ibon ang isinisilid sa kada sako at ini-spreyan ng carbon monoxide bago ilibing sa anim na talampakang lalim ng lupa.
Walo pang 8 poultry farms sa San Luis ang isasailalim sa culling process sa susunod na tatlong araw.
DA hindi ma matiyak kung saan nagmula ang bird flu na tumama sa San Luis
Hindi pa matiyak ng Department of Agriculture kung anong strain ng avian influenza ang sanhi ng bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.
Ayon kay Dr. Arlene Vytiaco, spokesperson ng Bureau of Animal Industry for Avian Influenza ng DA, bagaman napag-alaman nilang Avian Influenza type A sub-type H5 ang uri ng virus na tumama sa mga ibon sa San Luis, posibleng matagalan pa bago matukoy kung ano ang strain.
Hihintayin pa anya nila na maipadala bukas o sa Martes sa Australia ang samples na aabutin naman ng dalawang linggo bago ilabas ang resulta.
Samantala, aminado si Vytiaco na hirap silang matukoy kung saan posibleng nagmula ang virus.
Halos 200,000 manok sa Pampanga sinimulan nang i-gas chamber
Sinimulan na ang pagkatay sa 200,000 manok sa Pampanga na pinaniniwalaang may bird flu.
Ayon kay Arlene Vytiaco ng Bureau of Animal Industry, lahat ng manok sa loob ng 1 kilometer radius of quarantine ay kakatayin, may sakit man o wala.
Itoy sa pamamagitan ng Carbon Dioxide Suffocation o Gas Chamber.
Ayon kay Vytiaco, inaasahan nilang matatapos sa loob ng 3 hanggang 4 na araw ang pagpatay sa 200,000 manok sa Pampanga.