Inaasahang matatapos ngayong araw ang culling o pagpatay sa mga poultry product tulad ng manok, itik at pugo sa Nueva Ecija na hinihinalang tinamaan din ng bird flu virus.
Ito, ayon Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry, ay sa gitna ng pagbaba ng presyo ng manok sa maraming pamilihan sa Central Luzon.
Nilinaw naman ni Dr. Arlene Vytiaco, head ng BAI-Animal Health and Disease Control Section na hindi pa nila inaalis ang administrative circular na nagpapahintulot sa mga manok at iba pang poultry product na ibiyahe sa Visayas at Mindanao.
Gayunman, hindi anya saklaw ng circular ang mga fowl mula sa 7-kilometer radius controlled zones sa mga bayan ng San Luis, Pampanga; Jaen at San Isidro, sa Nueva Ecija.
Samantala, matumal pa rin ang bentahan ng manok sa mga pamilihan sa Central Luzon kaya’t bumagsak na sa 90 pesos kada kilo ang presyo nito mula sa dating 130 pesos kada kilo o noong hindi pa kumakalat ang avian influenza.
By Drew Nacino
SMW: RPE