Arestado ang isang Cult Leader ng isang religious group sa bayan ng Asturias sa Cebu bunsod ng alegasyong panggagahasa sa dalawa nitong miyembro.
Ayon sa National Bureau of Investigation-Central Visayas (NBI 7), may dalawang kaso ng rape si Tedorico Feriol na kilala ring Brod Doring, tatay at master sa nasabing organisasyon.
Ipinabatid ni Agapito Gierran ng NBI 7, nasa 17 taong gulang naman ang isa sa mga biktima na nagsilbi kay Feriol habang 32 anyos naman isa.
Ani Gierran, sa inilabas na imbestigasyon ng NBI, lumutang pa ang ibang biktima ng suspek na pawang mga kababaihan .
Aniya, nagpapanggap umanong faith healer ang suspek para makakuha ng mga kababaihan na magpapagaling sa kanya.