Nanawagan ang grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) kay incoming Philippine National Police (PNP) Chief Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na tapusin na ang tinatawag na “culture of impunity” sa bansa.
Ayon sa PAMALAKAYA, nahaharap si Eleazar sa seryosong pagbangon ng hanay ng PNP.
Isa aniya sa dapat niyang tutukan ay ang kultura kung saan tila exempted sa pananagutan sa batas ang ilang mga pulis na lumalabag sa batas o karapatang pantao.
Nariyan din aniya ang mga kwestyunableng search at arrest warrant laban sa mga aktibista na talamak sa nakalipas na pamunuan.
Binigyang diin din ng grupo ang kailangang remedyong gawin ni Eleazar dahil sa matinding pagkasira ng imahe ng PNP dahil kay outgoing PNP Chief Police General Debold Sinas.