Kultura ng kapayapaan ang nais na maitanim ng bagong Acting Commandant of Cadets sa Philippine Military Academy (PMA).
Binigyang diin ito ni PMA Acting Commandant of Cadets Brig. Gen. Romeo Brawner Jr. kasunod ng deklarasyon nya ng giyera kontra hazing sa PMA.
Si Brawner ang pumalit kay Brig. Gen. Bartolome Bacarro bilang PMA Acting Commandant of Cadets na nagbitiw kasunod ng pagkamatay ng kadeteng si Darwin Dormitorio dahil sa hazing.
I know it is a very difficult task to do, dahil naging kultura na yan (hazing), napakahirap tanggalin talaga ‘yung culture of violence, so, ang papalit natin, hopefully, is a culture of peace,” ani Brawner. — sa panayam ng Ratsada Balita