Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 6920 o The COVID-19 Unemployment Reduction Economic Stimulus (CURES) act of 2020.
Nakasaad sa nasabing panukala ang paglalaan ng P1.5-T para mapondohan ang mga infrastructure projects sa health, education, agriculture at local roads/infrastructure livelihood sectors.
Kabilang sa infrastructure projects ang pagtatayo ng barangay health centers, municipal at city hospitals, digital equipment para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) esting, telemedicine services para sa post harvest facilities, trading centers at farm to market roads.
Makakatulong din ang nasabing panukala sa implementasyon ng balik probinsiya program na layong ma decongest ang Metro Manila.