Iminumungkahi ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander at Philippine National Police (PNP) Deputy Chief Operations Lt. General Guillermo Eleazar na maging bahagi na ng tinatawag na “new normal” ang pagpapatupad ng curfew.
Ayon kay Eleazar, maganda ang naging resulta ng pagpapatupad ng curfew na nakatulong para sa 41% pagbaba sa crime rate habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).
Paliwanag ni Eleazar, dahil sa curfew, nababawasan ang pagkakataon ng mga masasamang loob na gumawa ng krimen.
Dagdag ni Eleazar, unti-unti na ring nakakasanayan ng mga Filipino ang pagpapatupad ng curfew sa ngayon kumpara noong wala pa aniyang ECQ kung saan nagkakaroon ng isyu at nahihirapan ang lahat na tanggapin ito