Inatasan ni Philippine National Police Chief PGen. Guillermo Eleazar ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na tiyaking mahigpit na ipatupad ang curfew hours sa oras na ipatupad ang enhanced community quarantine sa Metro Manila.
Paliwanag ni Eleazar, ang mahigpit na border control at pinahabang curfew hours ay makatutulong upang maiwasan ang mga pagtitipon at super spreader events.
Sinabi pa ng PNP chief na tutulong din sila sa mahigpit na pagpapatupad ng liquor ban.
Simula Agosto 6 ay ipatutupad sa NCR ang uniform curfew hours mula 8PM hanggang alas-4 ng madaling araw. —sa panulat ni Hya Ludivico