Kailangang paigtingin pa ang pagpapatupad ng curfew hours sa mga menor de edad sa lungsod ng Maynila.
Ito ang ipinag utos ni Manila Mayor Isko Moreno matapos ang ginawa niyang pag – iikot sa buong lungsod.
Aniya, napakaraming mga menor de edad ang pagala-gala sa kalye kahit disoras na ng gabi.
Sa pag iikot na ginawa ng alkalde, nahuli nila ang halos 20 batang hamog na dinala naman sa Manila City Hall upang ilipat sa MSWD o Manila Social Welfare and Development.
Dahil dito ay nagpatawag na ng isang command conference ang alkalde ngayong araw para sa implementasyon at pagpapaigting ng ordinansa.
Magsisimula mamayang gabi ang paghuli sa mga menor de edad na maaktuhang nasa labas ng bahay sa oras ng curfew.