Target ng MMDA na iklian pa ang curfew hours sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, pag-uusapan ng mga alkalde kung iiklian pa ang curfew hours kasabay ng planong pagpapalawig sa operational hours ng mga mall.
Iminungkahi rin ni Abalos sa mga mall owner na i-schedule ang mga sale ng weekend at tuwing holiday lamang upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at hawaan ng Covid-19 cases.
Magugunitang pinaikli ang curfew mula alas 12 ng madaling araw hanggang alas 4 ng umaga makaraang isailalim sa alert level 3 ang Metro Manila. —sa panulat ni Drew Nacino