Pinaikli na sa alas-8 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga ang curfew hours sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
Ito ang napagkasunduan ng mga alkalde at gobernador ng NCR na magsisimula ngayong araw hanggang sa katapusan ng Abril.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, sumang-ayon rin ang Metro Manila Council (MMC) na hindi kasama sa curfew ang mga authorized person outside residence (APOR).
Dagdag ni Abalos, kailangan pa rin magpakita ng identification (ID) o certificate of employment (COE) sa mga otoridad ang mga APOR.
Magugunitang ang mga lugar na nasa NCR Plus Bubble na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ng ilang linggo ay mayroong curfew hours na mula alas-6 ng gabi hanggang alas-5 lamang ng umaga. —sa panulat ni Rashid Locsin