Nagbabala ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours.
Pinayuhan ng NCRPO ang mga magulang ng mga menor de edad na bantayang mabuti ang kanilang mga anak para manahimik na lamang sa kanilang mga bahay kapag dis oras ng gabi.
Sinabi ni NCRPO Spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas na mananagot ang mga magulang ng mga mahuhuling lumalabag sa curfew.
Binigyang diin ni Molitas na matagal nang ipinatutupad ang curfew kayat dapat lamang na sundin ito.
By Judith Larino | Jonathan Andal