Naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema kaugnay sa ipinapatupad na curfew ordinance sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ito ay sa mga lungsod ng Quezon, Manila, at Navotas.
Matatandaang naghain ng petisyon ang Samahan ng mga Progresibong Kabataan sa Supreme Court para ipawalang bisa ang curfew ordinance na nagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng bahay nang mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling araw sa Quezon City, at mula naman alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw sa lungsod ng Maynila at Navotas.
Ayon sa grupo, pinagkakaitan ang mga kabataan ng karapatang maging malaya at ng karapatang makapag-biyahe.
Iginiit din ng grupo na hindi tama na ikulong o parusahan ang mga magulang ng mga menor de edad na mahuhuling lumalabag sa naturang ordinansa.
Kaugnay nito, inatasan na ng SC ang local executives ng mga nasabing lungsod na magkomento sa nasabing petisyon.
Details via Bert Mozo (Patrol 3)