Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Cebu ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa Cebu South Bus Terminal (CSBT) kasabay nang pagbubukas nito.
Ang CSBT ay ang pinakamalaking transport terminal sa lungsod na matatagpuan sa Natalio Bacalso Avenue at pinamamahalaan ng pamahalaang panlalawigan.
Sa pakikipagpulong ni Mayor Edgardo Labella sa mga transport stakeholders, ipinaliwanag ng alkalde na ang terminal ay bukas lamang mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga habang umiiral ang modified general community quarantine (MGCQ) sa nabanggit na lungsod.
Bawal ding pumasok sa terminal ang mga indibidwal na ang edad ay 21 pababa, gayundin ang mga matatanda.