Hindi na kailangang magpatupad muli ng curfew sa NCR
Ito ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos ay dahil ang mga residente ng Metro Manila ay self-regulating na sa gitna na rin nang pagsirit pa ng kaso ng COVID 19.
Sinabi ni Abalos na natuto na ang lahat sa nangyaring pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR kaya’t ang mga residente rito ay hindi na rin halos lumalabas sa pangambang mahawa sa virus.
Ipinabatid pa ni Abalos na halos wala nang tao at motorista ang mga mall at malalaking kalsada ng alas-5 ng hapon.
Gayunman, nananatili ang 10pm to 4am curfew sa mga menor-de-edad sa Metro Manila.