Susuriin na ng Philippine National Police (PNP) ang curriculum development ng mga paaralan na may kursong criminology.
Ito ay kasunod ng naging mga pagaaral na halos lahat ng mga nagtapos sa mga criminology schools na nagiging pulis, lalo na dito sa Metro Manila, ay nagiging problema ng organisasyon.
Ayon kay PNP officer-in-charge (OIC) P/LtGen. Archie Francisco Gamboa , partikular nilang problema sa mga pulis na nagtapos sa mga criminology schools ay ang pagiging laging late sa trabaho hanggang sa pagkakasangkot sa mga iligal na aktibidad.
Para kay Gamboa nais nyang maibalik ang tama at makabuluhang edukasyon para sa mga nagaaral sa pagkapulis upang matiyak na makakapagsilbi sila ng maayos sa PNP kapag sila ay narecruit.
Ngayong taon ay may 17,000 pulis na quota ang PNP para i-recruit, 10,000 rito ay annual qouta recruitment habang ang 7,000 ay ipapalit sa mga namatay, nag retiro, at nadismissed na mga pulis.