Hinikayat ni Pasig City Representative Roman Romulo ang Department of Education na mas pagtuunan ng pansin ang mga subject na may kinalaman sa pagbabasa, mathematics, at good manners and right conduct (GMRC) para ituro sa mga estudyante mula kindergarten hanggang Grade 3.
Paliwanag ni Romulo, dapat ay basic lang ang tinuturo sa mga bata para makapag focus ang mga mag aaral sa mga dapat nitong matutunan sa murang edad.
Dagdag pa nito, pwede namang lagyan ng iba’t-ibang klase ng aktibidad ang mga reading subjects katulad ng current events para mas mahasa pa ang abilidad ng mga mag aaral.
Matatandaang nakuha ng Pilipinas ang pinakamababang grado pagdating sa reading comprehension ng mga mag aaral na resulta ng Program for International Student Assessment (PISA) 2018.