Ika nga ng karamihan ‘the customer is always right.’ Ngunit mayroon nga bang piling mga kaganapan na kung saan ay hindi ito applicable? Katulad na lang ng nangyari sa isang barbero sa Pattaya, Thailand matapos mag-amok ng kaniyang customer dahil hindi sila nagkaintindihan.
Ang buong kwento, alamin.
Sa Salute Barbershop na matatagpuan sa Pattaya, Thailand, nagkaroon ng komosyon dahil sa hindi pagkakaintindihan ng barbero at ng customer.
Pumasok sa nasabing barbershop ang hindi pinangalanang bakasyonistang Russian para ipagupit ang kaniyang buhok.
At nang sasabihin na niya sa barbero ang gusto niyang gupit, gumamit lamang ito ng hand gestures dahil hindi ito fluent sa pagsasalita ng Ingles.
Ngunit nang matapos itong gupitan, biglang nag-amok ang customer dahil hindi nito nagustuhan ang gupit na gusto niya. Nang-away pa ito ng staff at kapwa niya customer, at pinagmumura ang barberong nanggupit sa kaniya.
Maya-maya ay bigla na lamang kinuha ng turista ang dalawang clippers at tinapyasan ang bandang noo sa bahagi ng buhok ng barbero bago umalis nang hindi man lang nagbayad.
Gamit ang CCTV footage bilang ebidensya, agad na inireport ni Suphachai sa Pattaya City police station ang nangyari.
Sa isa namang pahayag, sinabi ng barbero na labis ang galit na naramdaman niya ngunit hindi na pinatulan ang customer dahil sa takot na mawalan ng trabaho.
Aniya pa, sa pitong taon na nagtatrabaho siya bilang barbero ay iyon ang unang pagkakataon na may nambastos sa kaniya kung kaya’t gusto niyang humingi ng tawad sa kaniya ang nasabing Russian customer.
Kaugnay nito, ipinakalbo na lang ang kaniyang buhok upang pantay-pantay itong tumubo.