Inihayag ngayon ng Manila Electric Company o MERALCO na customer load size sa airport ang posibleng dahilan kung kaya’t nagkaroon ng power outage sa NAIA Terminal 3.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga na bagamat nagkaroon ng problema sa kanilang substation sa NAIA bago mag-alas-9:00 ng gabi noong Sabado, agad naman aniyang naibalik sa normal ang sitwasyon matapos ang 45 segundo.
Bukod dito, sinabi ni Zaldarriaga na okay din ang circuit sa lugar.
Matatandaang mahigit limang oras nakanaras ng blackout sa NAIA Terminal 3 kung saan tinatayang 15,000 pasahero ang naapektuhan.
“After 45 seconds ay nag-normalize nga siya and just to validate kung okay yung power on our end, may mga tao po kaming nagpunta sa aming facility substation and other facilities that are part of the line servicing NAIA-3 at it was concluded na okay nga po, okay siya including the circuit. So before 1 AM to be exact 12:33 AM sinabi namin na clear na talaga, we are absolutely sure this is clear, but even before that sabi ko nga after 45 seconds nag-normalize na.” Pahayag ni Zaldarriaga.
By Meann Tanbio | Karambola