KUMPIYANSA ang isang telco o telecommunications company na lilipat na ang lahat ng broadband customers nila sa pinakabagong fiber technology sa 2022 bilang bahagi ng kanilang #1stWorldNetwork commitment na maghatid ng mas mahusay na internet experience.
Napag-alaman na mula sa Digital Subscriber Line (DSL) at Long Term Evolution (LTE) ay mahigit isang taon nang inililipat ng Globe At Home ang broadband customers nito sa fiber nang libre at malapit na itong matapos.
Sinasabing ang migration ay umakyat na ng mahigit sa 250% hanggang noong Oktubre kung saan nahigitan nito ang 2021 target.
Ayon kay Barbie Dapul, Globe At Home Vice President for Marketing, layon ng Globe na makapagkabit ng hindi bababa sa 1.4 million fiber-to-the-home (FTTH) lines ngayong taon.
“By 2022, all of our customers will be able to enjoy fast fiber technology capable of handling the present and future needs of the household. We will continue to guide them for an easy and smooth transition,” pahayag ni Dapul.
Aniya, ang mga customers sa fiber ay makararanas ng maximum speeds na 1Gbps na nangangahulugang makapagsasagawa sila nang tuloy-tuloy na HD video calls tuwing work meetings o virtual classes, o maging ng lag-free gaming, sa pamamagitan ng mas mabilis na upload at download speeds.
Batay sa pinakahuling internal survey sa mga customer na lumipat sa fiber, lumitaw na tumaas na ng 45 points ang customer satisfaction.
Sa Unli FIBER Up plans na may kasamang Globe Fiber, ang subscriptions na 1499 lamang ay may libreng access sa KonsultaMD, isang 24/7 consultation service sa licensed doctors.
Ang may Plans 1699 naman at pataas ay may libreng three-month access sa VIU, HBO Go, Amazon Prime Video, Upstream, at WeTV bukod pa sa libreng KonsultaMD habang may libre rin silang landline at UNLI calls.
Patuloy na namumuhunan ang telco sa ICT infrastructures para mapagbuti at maipagkaloob ang pinakamahusay na serbisyo sa mga customer nito upang maibigay ang #1stWorldNetwork sa mga Pilipino sa buong bansa.
Samantala, todo naman ang suporta ng Globe sa United Nations Sustainable Development Goals (UNSDG), partikular sa UNSDG No. 9, na nagbibigay-diin sa papel na ginagampanan ng imprastruktura at innovation bilang krusyal na tagapagtaguyod ng pag-unlad o paglago ng ekonomiya.