Isasailalim sa WPP o Witness Protection Program ng gobyerno si Customs Broker Mark Taguba.
Inihayag ito ni House Ways and Means Committee Chairman Dakila Carlo Cua sa pagdinig kahapon hinggil sa pagkakapuslit ng P6.4 billion halaga ng shabu.
Matatandaang hiniling ni Taguba sa nakalipas na pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na isailalim siya sa WPP.
Sa nasabi ring pagdinig, ipinagkaloob ng Kamara ang legislative immunity para kay Taguba.
By Meann Tanbio