Nag-sorry na ang customs broker na si Mark Taguba kina Davao City Vice Mayor Paolo “pulong” Duterte at Atty. Mans Carpio na asawa ni Mayor Sarah Duterte.
Paliwanag ni Taguba, hearsay o tsismis at fake news ang pagdadawit kina Pulong at Carpio sa Davao group na umano’y nakaka impluwensya para mabilis na makalabas sa Customs ang mga kargamento.
Malinaw anya sa kanyang testimonya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na kahit minsan ay hindi niya nakausap o nakita sina Pulong at Attorney Carpio.
Nilinaw ni Taguba na tanging si Tita Nani at Isang Jack ang kanyang nakausap hinggil sa Davao Group at hindi sa mga container van na inasikaso ng kanyang kompanya naka-karga ang 6.4 Billion Pesos na halaga ng shabu mula China.
Tanging general household items lamang anya ang nasa loob ng kanyang container vans at wala ang limang cylinder na naglalaman ng 604 kilo ng shabu.
By: Drew Nacino / Cely Bueno
SMW: RPE