Inako ni Bureau of Customs (BOC) Chief Nicanor Faeldon ang pananagutan kaugnay sa pagkakalusot ng mahigit P6-B halaga ng ipinuslit na shabu mula sa China.
Ito ang dahilan ayon kay Faeldon kaya’t bukas siya sa kahit anong imbestigasyon na ikinasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso maging ng Malakanyang.
Gayunman, sinalag ni Faeldon ang panawagan ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Barbers na magbitiw na ito sa puwesto.
Giit ni Faeldon, marami silang nasagasaan sa kanilang kampaniya kaya’t hindi siya aatras sa laban para mailabas ang katotohanan.