Idinipensa ni customs commissioner alberto lina, ang kanyang pagkansela sa P650 million pesos na procurement para sa Integrated Electronic Customs Process Systems.
Ayon kay Lina, nagpasya siyang ipatigil ang bidding dito, dahil matapos i-review ay nakita niyang mayroong iba pang option at ang ilan dito ay mas mura at mas epektibo, kaysa sa inabutang proyekto.
Iginiit ni Lina na legal at mayroong basehan ang kanyang ginawang pagpapahinto sa bidding process.
By Katrina Valle | Aya Yupangco