Sasampahan ng kasong plunder ng isang nanalong bidder si Customs Commissioner Alberto Lina.
Ito ay matapos na kanselahin ni Lina ang P650 milyong kontrata ng Omniprime matapos na matalo dito ang kumpanyang e-konek na kumpanyang pagmamay-ari nito.
Ayon kay Atty. Harry Roque, abogado ng Omniprime, may paglabag si Lina nang kanselahin nito ang kontrata sa pagsasabing hindi na ito kailangan ng Customs gayong may plano pa rin siyang magpa-bid para sa implementasyon ng national window system.
Malinaw rin aniyang ninais pa rin ni Lina na makuha ang nasabing kontrata.
Pinabulaanan naman ni Lina ang akusasyon. Biniyang diin nito na hindi na kailangan ng BOC ang naturang proyekto at siniguro rin ni Lina na hindi na lalahok pa sa anumang bidding ang kanyang kumpanya.
By Rianne Briones