Posibleng maharap sa technical malversation si Customs Chief Nicanor Faeldon dahil sa pagkuha nito sa mga manlalaro ng basketball at volleyball bilang kaniyang intelligence officers.
Ito ang ibinabala ni Leyte 3rd District Representative Vicente Ching Veloso sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs kugnay sa mahigit P6-B halaga ng shabu na nakalusot sa Customs Bureau.
Ayon kay Veloso, dapat magpaliwanag si Faeldon kung bakit hinayaan ang pagkuha ng basketball at volleyball players gayung umamin na si EJ Feihl na isa sa mga kinuhang opisyal ng ADUANA na wala silang naibibigay na intelligence output.
Depensa naman ni Atty. Mandy Anderson, executive assistant ni Faeldon, hindi maituturing na technical malversation ang sitwasyon dahil nagmula aniya ang pinang-pasuweldo sa nasabing mga opisyal sa mismong tanggapan ng Customs Chief.