Pini-persecute ang mga mabubuti at matitino sa Bureau of Customs o BOC.
Ito ayon kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang dahilan kaya’t naging emosyonal siya at bahagyang naluha sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan nagtatanong sa kaniya ang dating kasamahang si Senador Antonio Trillanes IV.
Sinabi ni Faeldon na ang problema ay nagtatanong si Trillanes subalit sa nakalipas na mga araw ay may inihayag na ito sa media na conclusion sa kontrobersya.
Marami aniyang nasasaktang mga inosente sa mga walang batayang akusasyon ni Trillanes.
Ayon kay Faeldon napilitan lamang siyang sumagot sa mga tanong ni Trillanes bilang pagrespeto sa Senado bilang institusyon.
Una nang inihayag ni Trillanes na si Faeldon bilang Customs Commissioner ang malinaw na nasa gitna ng kontrobersyang kinakaharap ng ahensya.
By Judith Larino / (Ulat ni Cely Bueno)