Umapela si Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa mga mambabatas ng pakikipagtulungan para sa bayan sa gitna ng mga panawagan na magbitiw siya sa puwesto bunsod ng nawawalang shipment ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu mula China.
Ayon kay Faeldon, hindi na dapat magmalinis ang ibang mambabatas sa katiwaliang matagal ng bumabalot sa BOC na hindi na rin naman lihim sa publiko.
Nagbanta pa ang Customs Chief na sa oras na masagad ang kanyang pasensya ay hindi siya magdadalawang-isip na isiwalat ang mga iligal na aktibidad ng ilang mambabatas partikular sa Aduana.
Aminado si Faeldon na ayaw na niyang magsalita sa issue subalit sadyang may mga kongresista na nais mabunyag ang katotohanan.
Samantala, pinayuhan naman ni Faeldon ang publiko na iwasang magpadala sa mga impluwensya ng katiwalian sa BOC na isa sa pinaka-corrupt na government agency.
By Drew Nacino