Binalaan ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang publiko kaugnay ng mga kumakalat na text messages na nagso-solicit o humingi ng cash donations para umano sa mga charity projects ng ahensya gamit ang kanyang pangalan.
Ito ay matapos nakatanggap ng report ang Bureau of Customs o BOC kaugnay ng isang Atty. Vasquez na pagpadala ng text messages sa ilang brokers at importers para magbenta ng raffle tickets at nagsosolicit para umano sa isang BOC charity project sa Zambales.
Ayon kay Lapeña wala siyang inutusan o inotorisang tao mula sa kanyang tanggapan para manghingi ng donasyong pera.
Itinanggi rin ni Lapeña na kilala niya o konektado siya sa isang Atty. Vasquez na sinasabing nagpapadala ng mga solicitation text messages.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Lapeña ang mga makatatanggap ng nasabing text messages na huwag magbigay ng pera at agad itong ipagbigay alam sa tanggapan ng Bureau of Customs.
—-