Mananatili sa kaniyang puwesto si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Ito ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos ipatawag si Faeldon sa gitna na rin ng usapin nang pagkakapuslit ng P6.4-B na halaga ng shabu mula sa China.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, ipinaabot mismo ng Pangulo kay Faeldon ang buong tiwala nito kasabay ang pagsasabi sa opisyal na ituon ang pansin sa pagsisilbi sa bayan.
Magugunitang pinagbibitiw ni Congressman Robert Ace Barbers sa puwesto si Faeldon matapos maipuslit ang tone toneladang shabu mula sa China.
Bukod kay Faeldon, pinulong din ng Pangulo si BIR Commissioner Caesar Dulay na inatasan nitong pabilisin ang pangongolekta ng buwis para may magamit sa mga hindi inaasahang sakuna o kalamidad pati na sa rehabilitasyon ng Marawi City.