Pormal nang nagsumite ng kaniyang resignation letter ang Import Assessment Service Director ng Bureau of Customs na si Milo Maestrecampo.
Ito’y makaraang makaladkad ang pangalan ni Maestrecampo nang pangalanan ng customs broker na si Mark Taguba II na tumatanggap umano ng suhol.
Nakasaad sa kaniyang liham na nakapangalan kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Maestrecampo na sa ngalan ng delikadeza kaya siya nagpasyang magbitiw na lamang sa puwesto.
Kasabay nito, tiniyak din ng customs official na handa siyang makipagtulungan sa anumang imbestigasyon kaugnay sa usapin upang malinis din ang kaniyang nadungisang pangalan.