Pormal nang nagsumite ng courtesy resignation si Bureau of Customs Import Assessment Service (BOC – IAS) Director Milo Maestrecampo.
Ito ay matapos na madawit ang kanyang pangalan sa nagpapatuloy na pagdinig ng Kamara kaugnay sa pagkakapuslit ng mahigit P6-B halaga ng shabu sa bansa.
Sa dalawang pahinang resignation letter ni Maestreocampo na naka-address kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nitong sa ngalan ng kanyang delekadesa kaya siya nagbitiw sa pwesto.
Anya, ito rin ay isang paraan para maipaglaban niya ang kanyang integridad.
Kasabay nito, tiniyak naman ng Customs official na handa siyang makipagtulungan sa anumang imbestigasyon kaugnay sa isyu para na rin malinis umano ang kanyang nadungisang pangalan.
Si Maestreocampo ay isa sa mga pinangalanan ng Customs broker na si Mark Taguba na umano’y binigyan ng suhol para makalusot ang kontrobersyal na shipment.