Inamin ni Customs Intelligence Officer Jimmy Guban na tumanggap siya ng komisyon mula sa consignee-for-hire ng Bureau of Customs (BOC).
Ipinabatid ni Guban sa pagdinig ng House Dangerous Drugs Committee sa nakapuslit na P6.4 bilyon na halaga ng illegal drugs na tumanggap siya ng P10,000 hanggang P15,000 na komisyon mula sa SMYD Trading na siyang nakuha nilang consignee sa nasabing shipment.
Subalit nilinaw ni Guban na ang nakuha niyang pera ay para lamang sa pag-asikaso sa mga dokumento ng naturang shipment at matagal na aniyang ginagawa ng BOC ang irregular na sistemang ito.
Dahil dito, kumbinsido pa rin si Commitee chair. Robert Ace Barbers na marami pa rin ang sindikato ng iligal na droga sa loob ng BOC maging sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).