Ipinabubuwag ni Kabayan Partylist Representative Harry Roque ang Bureau of Customs o BOC.
Ayon kay Roque, ito lamang ang nakikita niyang paraan upang malinis sa talamak na katiwalian ang BOC.
Nadiin sa katiwalian ang Bureau of Customs matapos na makalusot ang mahigit sa anim na bilyong pisong halaga ng shabu papasok sa bansa at mabunyag ang walong opisyal ng BOC na tumatanggap ng suhol.
“Siguro bubuo tayo ng bagong ahensya nang sa ganun ay magkaroon tayo ng pagkakataon na baguhin ang mga tao, importante rin na ma-automate ang operasyon ng Bureau of Customs, matagal na dapat yan kaya lang na-TRO ng Korte Suprema at nakikita natin na kailangan talaga ang pre-inspections sa mga shipment na yan at ilarawan ang mga laman ng containers.” Ani Roque
Samantala, sinabi ni Roque na hindi pa lusot sa anumang kaso ang mga atleta na kinuhang consultant ng BOC.
Ayon kay Roque, nasa mahigit 40,000 kada buwan ang suweldo ng mga atleta gayung wala namang nagawa ang mga ito para sa BOC.
“Ang tanung namin ay bakit sila naroon, anong ginagawa nila parang sayang lang ang pera dahil malinaw na wala silang kakayahan na makatulong sa Bureau of Customs and yet binibigyan sila ng mga consultancy fee na hindi bababa sa 50,000 kada buwan.” Pahayag ni Roque
By Len Aguirre | Ratsada Balita Interview