Hindi na naniningil ng buwis ang Bureau of Customs (BOC) sa mga imported goods na mababa lamang ang halaga.
Ginawa ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon ang pahayag dalawang buwan bago ang pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Simula noong Oktubre 5, hindi na pinapatawan ng Custom duties and taxes ang mga kargamento o produkto na nagkakahalaga ng 10,000 pesos o pababa.
Ayon kay Faeldon, ang bagong patakaran ay nakasaad sa Customs Administrative Order o CAO na sumasaklaw sa mga imported na produkto na mayroong de minimis value o maliit lamang ang halaga.
By Jelbert Perdez