Malaki ang pangangailangan para sa modernization ng Bureau of Customs (BOC).
Ipinaliwanag ni Cong. Miro Quimbo na maliban sa mayroong treaty hinggil dito, napatunayan na din sa pag-aaral na malaki ang epekto sa presyo ng mga bilihin ng pag-tengga ng mga kargamento sa Customs.
Sinabi ni Quimbo na makakabuting tutukan na lang ng Customs ang pagbabantay sa mga pumapasok na gamit at produkto, at ipaubaya nalang sa ibang revenue generating agencies ang pagbubuwis.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Cong. Quimbo
TAX BRACKET
Naniniwala si Cong. Miro Quimbo na maaari pang matalakay sa Kamara ang pag-aadjust sa income tax bracket.
Ayon kay Quimbo napakahalaga na maiayos ang umiiral na income tax bracket, lalo na at nakatakdang ipatupad sa susunod na taon ang salary standardization 4.
Sinabi ni Quimbo na kapag hindi naiayos ang tax bracket, posibleng umabot na sa hanggang 20 porsyento ang buwis na kailangang bayaran ng mga guro na nasa entry level.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Cong. Quimbo
By Katrina Valle | Karambola