Nagbabala ang Bureau of Customs laban sa maling pagdedeklara ng mga gamit sa balikbayan box.
Kasunod ito ng inilabas na Customs Administrative Order 05-2016 o ang implementing rules and regulations sa section 800 (g) ng customs and modernization and tariff act o CMTA na sumasaklaw sa balikbayan boxes.
Sa ilalim ng kautusan, ang mga balikbayan box na naglalaman ng P150,000 pababa ay exempted sa pagbabayad ng buwis simula sa Disyembre 25.
Kaugnay nito, sinabi ni CMTA IRR Project Manager Althea Acas na para ma-exempt sa tax, ang dapat lamanin ng balikbayan box ay mga personal at household goods.
Mahigpit aniyang ipagbabawal ang anumang commercial quantity tulad ng laptop.
Binalaan din ni Acas ang mga local freight forwarders na mahaharap sa suspensyon at iba-black list kapag napatunayang nakipagkuntyabahan para sa misdeclared content ng bawat balikbayan box.
By: Meann Tanbio