Nagpalabas ng protocol ang Bureau of Customs o BOC kaunay ng tamang paghawak sa mga masasakoteng iligal na droga.
Batay sa memorandum 2017-11-004 ni Lapeña, lahat ng kargamentong naglalaman ng mga iligal na droga at ng tinatawag na Controlled Precursors and Essential Chemicals o CPEC ay kailangang agad na ireport at mai-turnover sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, layunin ng protocol ang maiwasang muling mabahiran ang ahensya kasunod pagkakalusot ng mahigit 6 bilyong pisong shabu shipment sa bansa.
Hinimok din Lapeña ang lahat ng mga opisyal ng BOC na sumunod sa nasabing protocol at mahigpit na magbantay para agad na mapigil ang mga kontrabando habang nasa port pa lamang.
Binigyang diin pa ni Lapeña na ipaubaya na lamang sa PDEA ang mga may kaugnayan sa iligal na droga para maiwasan ang kaguluhan dahil ito ang inatasang manguna sa mga drug operations.
—-