Nakapagtala ng mas mababang koleksyon ang Bureau of Customs noong Setyembre taliwas sa kaparehong panahon noong 2014.
Ipinabatid ni Customs Commissioner Bert Lina na umabot lamang sa 32.7 billion pesos ang pinagsamang import duties at buwis na nakolekta nila o mas mababa ito ng point 8% noong nakalipas na taon.
Sinasabing bumagsak ang koleksyon ng Customs kahit pa halos 21% ang pagtaas ng mga produktong pumasok sa bansa nuong buwan ng Setyembre.
Ayon kay Lina, bagamat nadagdagan ng 17% ang imports, lumalabas na mas mababa naman ang halaga nito ng 1. 8% na nag resulta sa mas mababang koleksyon ng buwis.
Positibo naman si Lina na maaabot pa rin nila ang P436.6 billion pesos na target collection para sa taong ito lalo na’t malaki ang pumapasok na mga padala pag-BER months.
By Judith Larino