Umabot na sa 40 milyong piso ang nasabat ng Bureau of Customs na mga produktong pampaganda at mga sapatos sa paliparan simula pa noong Enero.
Ayon sa Customs Commissioner Isidro Lapeña, nasa 6,500 piraso ng mga Goree beauty products, 111 pares ng rubber shoes, at 119 na package ng mga produkto ng gluthatione ang nakalulusot na hindi aprubado ng gobyerno.
Karaniwan umano sa mga produkto ay mula sa China, Hongkong, Taiwan, Malaysia at Abu Dhabi.
Magugunitang noong nakaraang taon ay pinagbawal ng Food and Drug Administration o FDA ang mga Goree products dahil sa sinasabing may sangkap nito na nakakalason.