Nangangailangan ang BOC o Bureau of Customs ng isandaan at limampung (150) personnel upang mapalakas ang kanilang manpower.
Sa inilabas na kalatas, sinabi ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon na kailangang mapunan ang halos 50% bakanteng posisyon sa ahensya.
Ayon kay Faeldon, tatanggap ang BOC ng aplikasyon hanggang sa Agosto 11.
Tiniyak naman ng opisyal na hindi tatanggapin ang “external recommendations” sa mga aplikante.
- Meann Tanbio