Mahigit isandaang pasaway na tsuper ng pampublikong sasakyan ang nahuli ng I-ACT o Inter-Agency Council on Traffic sa ilalim ng “tanggal usok, tanggal bulok” campaign ng pamahalaan.
Kasunod nito, ipinabatid ni I-ACT Communications Head Elmer Argaño na kaniya-kaniya nang diskarte ang mga tsuper at operator ng mga pampublikong sasakyan upang makaiwas sila sa panghuhuli.
Ayon kay Argaño, nagiging talamak na ang cutting trip lalo na ng mga luma, kakarag-karag at may mga kalbong gulong na mga sasakyan.
Dagdag pa ni Argaño, handa ang kanilang hanay sa mga ikinakasang kilos protesta at tigil pasada ng mga kontra sa kanilang kampaniya na bahagi ng hakbangin na i-modernize ang mga pampublikong sasakyan.