Maaari nang makidalamhati at maki-huling lamay sa yumao nilang mahal sa buhay ang mga preso sa Puerto Princesa City.
Sa pamamagitan ito ng kauna-unahang cyber-burol na inilunsad ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology.
Ayon kay Chief Inspector Lino Soriano, Provincial Jail Warden sa Puerto Princesa City, tugon nila ito sa sentimiyento ng mga inmates na kalimitang hindi pinapayagan ng korte na makadalo sa lamay ng yumaong kaanak.
Sa ilalim ng cyber-burol program ng BJMP, magtutungo ang jail personnel ng BJMP sa huling araw ng burol ng namayapang kaanak ng preso at maglalagay ng computer at camera set up upang makita ng live ng preso ang mga kaganapan sa lamay sa pamamagitan ng livestream.
By Len Aguirre
Cyber-burol inilunsad ng BJMP was last modified: June 22nd, 2017 by DWIZ 882