Naghain na ng cyber libel case ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga opisyal ng online news site na Rappler kaugnay sa reklamo ng isang negosyante sa artikulo ng Rappler noong 2012.
Sa isang transmittal letter na may petsang March 2, 2018 at lagda ni N.B.I. Director Dante Gierran, respondent sa kaso sina Rappler Executive Editor Maria Ressa, dating Rappler Reporter Reynaldo Santos Junior;
Mga director at officer na sina Manuel Ayala, Nico Jose Nolledo, Glenda Gloria, James Bitanga, Felicia Atienza, Dan Alber de Padua at Jose Maria Hofilena.
Nag-ugat ang kaso sa reklamo ng negosyanteng si Wilfredo Keng sa balita ng Rappler na siya umano ang may-ari at nagpahiram ng Sports Utility Vehicle kay yumaong Chief Justice Renato Corona.
Gayunman, itinanggi ni Keng na kanya ang sasakyan na ginamit umano ang S.U.V. patungo at palabas ng Supreme Court sa pagtatapos ng kanyang impeachment trial sa Senado.