Iniimbestigahan na ng Department of Science and Technology o DOST ang posibilidad na napasok ng mga North Korean hackers ang cyber network ng kagawaran.
Ito ay matapos lumabas ang ulat na sinusubukan ng mga North Korean hackers na maglunsad ng cyber-attacks sa mga laboratoryo at research center sa buong mundo kabilang ang DOST.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, sinimulan na ng ASTI o Advanced Science and Technology Institute ang pasusuri sa mga lumang data ng kagawaran para makita kung napasok ng hacker ang mga ito.
Sinasabing ang mga cyber-attacks na ginagawa umano ng North Korea ay may kaugnay sa mga missile at nuclear test nito.
—-