Ikinakasa na ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang paglalagay ng cyber security management system bilang proteksyon sa mga datos na lalamanin ng mga national ID.
Ayon kay DICT Assistant Secretary Allan Cabanlong, mapoprotektahan din ng nasabing hakbang ang bawat ahensya ng gobyerno.
Magugunitang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Identification Act noong Lunes upang magkaroon ng national identification ang mga mamamayan upang isang ID na lamang ang i-pi-presenta sa lahat ng transaksyon.
Samantala, nilinaw naman ng Philippine Statistics Authority na maaari pa ring magpa-rehistro para sa national ID ang mga hindi makapag-pe-presenta ng birth certificates.
—-