Kailangan nang palakasin ng Pilipinas ang cyber security nito para mapigilan ang paglala ng terorismo sa bansa.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isinagawang workshop tungkol sa ‘dark net’ o ang bahagi ng internet na maaaring ma-access lang sa pamamagitan ng mga special program bilang recruitment ground ng mga terorista.
Ayon Kay Lorenzana, maituturing na matinding banta sa national security ang ‘dark net’.
Kailangang aniyang makabuo ng epektibong pangontra rito sa tulong ng international community.
Kasama ni Lorenzana sa nasabing workshop ang ibat ibang international security groups tulad ng Interpol at UN.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Ms. Chafica Haddad, Chairperson ng UNESCO/IFAP Inter-Governmental Council, na kailangang turuan ang mga kabataan tungkol sa ‘dark net’ upang hindi mabiktima ng “radicalization” na ginagamit ng mga terrorist groups tulad ng ISIS sa pag-recruit ng mga bagong miyembro sa pamamagitan ng internet.
—-